Malaki ang kaibahan ng mineral water (kanan) at ang sample (kaliwa) ng maruming tubig na lumalabas sa gripo sa Zamboanga sa Mindanao. Ang Zamboanga City Water District ang nagsu-supply ng tubig sa buong lungsod. (Mindanao Examiner Photo)
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Hunyo 4, 2011) - Dumarami na ang nagrereklamo sa maraming tubig na lumalabas sa mga gripo sa Zamboanga City sa Mindanao.
Malimit umanong dumudumi ang mga tubig sa tuwing nagkakaroon ng malakas na pag-ulan. Isang ginang, si Flor Custodio, ang nagsabing tatlong araw na umano itong may diarrhea at ang maraming tubig na kanyang nainom sa gripo ang itinuturong dahilan.
“Grabe at talaga palang ang dumi at parang nahaluan ng putik ang tubig na lumalabas sa gripo ngayon. Di ko naman napansin na marumi pa lang yun tubig na nainom ko at tatlong araw na akong pumupurupot,” ani Custodio sa isang panayam.
Mabuti na lamang umano at hindi nakainom ng maraming tubig ang mga anak nitong maliliit pa. “Kaya ngayon ay pinakukuluan na namin ang tubig na galing sa gripo,” dagdag pa nito.
Marami na rin kaso ng diarrhea sa Zamboanga, subalit hindi pa malinaw kung saan ito nakuha.
Agad naman ibinabato ng Zamboanga City Water District ang sisi sa mga gumagamit umano ng mga booster pump at leaking pipe lines at tubo ng tubig na dumaraan sa mga kanal kung kaya’t marumi umano ang daloy nito.
Ngunit tulad ng kay Custodio ay wala naman itong booster pump at wala rin leaking ang kanilang tubo ng tubig. “Eh kung may leaking (ang tubo namin) sana araw-araw marumi ang tubig na lumalabas sa gripo,” wika nito.
Ito rin ang reklamo ni Jeng Fernandez. “Marumi talaga at pinagkumpara nga namin yun tubig sa gripo at yun mineral water namin at makikita ang diperensya. Ganyan ang water district at malimit yan sa tuwing may ulan. Ewan ko ba, pero sa ibang mga lugar tulad sa Maynila, at ibang bahagi ng Mindanao ay hindi naman ganyan,” reklamo pa nito.
Sinabi naman ng isang nagpakilala si Penaranda mula sa water treatment plant ay may ginagawa umanong tubo ang Zamboanga City Water District. Ngunit hindi naman mabatid kung bakit narumihan ang daluyan ng tubig.
Minsan na rin inireklamo ng isang pamilya na may lumabas rin na maliit na bulati sa kanyang gripo sa banyo at mula noon ay mineral water na ang iniinom ng nila. (Mindanao Examiner)
3 comments:
Sang-ayon ako sa mga comment na ito. ako rin ay isang mamayan ng ng Calarian, Zamboanga City at tulad nila napansin ko rin na tuwing uulan nagiging kulay putik ang tubig na lumalabas sa aming gripo. Isa pang nakakainis dito ay biglang nawawala ang tubig ng walang abiso galing sa Zamboanga City Water District. Actually, habang ginagawa ko ang comment na ito ay wala kaming tubig mula pa kaninang umaga. Ni hindi ko nalabhan ang oniporme ng anak ko na papasok bukas. Sobrang bulok ang sistema nila, di ka lang makabayad ng isang buwan, kukunin kaagad nila ang metro mo.

Bulok talaga...
Post a Comment