DAVAO CITY, Philippines (Mindanao Examiner / June 8, 2011) – Mariing binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan sa Southern Mindanao ang mataas na matrikula ng mga unibersidad at kolehiyo sa bansa.
Nagsagawa rin ng rally sa harapan ng pribadong University of Mindanao sa Davao City ang mga ibat-ibang grupo na kaalyado ng Bayan upang ilabas ang kanilang hinaing kontra sa mga umano’y “ganid” na mga paaralan at sa lumalalang sitwasyon ng edukasyon.
“Accessible and affordable quality education as a state responsibility is provided in local and international laws, including the 1987 Philippine Constitution and the International Declaration of Human Rights. Why is this government bowing down to the “pera-pera” scheme of private schools?” tanong pa ni Franchie Buhayan, ang Deputy Secretary-General ng Bayan sa Southern Mindanao.
Maging mga guro ay nakisali na rin sa rally upang isigaw naman ang kanilang problema sa siguridad sa trabaho. Hiniling rin ng mga guro ang itigil na ang “contractual job” sa sector ng edukasyon.
Sinabi ng Commission on Higher Education na halos 300 ang mga paaralan ang nagtaas ng matrikula at kabilang dito ang 31 mula sa Davao City. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment