MANILA (Mindanao Examiner / Hunyo 3, 2011) – Nagbayad ng mahigit sa P1.6 bilyon ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga utang nito sa Philippine National Bank at Land Bank of the Philippines at ayon sa chairman nito ay malaki ang naitipid ng ahensya kung kaya’t nabayaran agad ang mga obligasyon.
“When the present PAGCOR management assumed office in July 2010, the remaining bank loans of the corporation stood at P1.66 billion. We completed prepayment of the borrowed amount solely through internal funding,” pagmamalaki pa ni PAGCOR Chairman and CEO Cristino Naguiat, Jr.
Nabatid pang ang pinagkakautangan ng PAGCOR ay mula sa salaping ipinambayad ng nakaraang administrasyon ni Pangulong Gloria Arroyo sa Philippine Reclamation Authority na ngayon ay Philippine Estates Authority sa proyekto nitong Entertainment City, isang reclaimed area, sa Parañaque City.
Dapat sana ay sa 2014 pa magtatapos ang loan, ngunit sinabi ni Naguiat na malaki ang natipid ng PAGCOR sa pagbabayad ng maaga sa utang. “The loans had a payment term of six years or until 2014, but PAGCOR management deemed it prudent to settle obligations from internally-generated cash,” wika nito.
Nakatipid ito ng P101.17 milyon sa pagbabayad ng interest.
Ang Entertainment City ay isang integrated resort complex na siyang magiging flagship tourism project ng pamahalaan at inaasahang daragsain ito ng mga turista.
Ipinagmalaki pa ni Naguiat na kumita ang PAGCOR ng mahigit sa P11 milyon mula Enero hanggang Abril halos P1 bilyon ang laki kung ihahambing sa nakaraang sa nakaraang taon.
“Sound business decisions and cost-saving measures also enabled the agency to reduce its operating expenses by almost 14% during the first four months of the year. Total savings during the period amounted to P688 million. For the month of April alone, PAGCOR had about P140 million in savings,” ayon pa sa opisyal.
Malaki ang kontribusyon ng PAGCOR sa kaban ng bayan at napupunta ang kinikita nito sa Social Fund ng Pangulog, sa Philippine Sports Commission, at iba pang ahensya. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment