Isa sa maraming mining sites sa Zamboanga Peninusla. (Mindanao Examiner Photo)
ZAMBOANGA DEL NORTE (Mindanao Examiner / Nov. 2, 2011) – Pinuri ng mga natibo at ng Simbahang Katoliko ang desisyon ng Zamboanga del Norte na ipatigil na ang lahat ng open-it mining sa lalawigan.
Unang ginawa ito ng South Cotabato na kung saan ay naglabas ng ordinansa ang lalawigan doon upang ipatigil na ang open-pit mining doon dahil sa napipintong pinsala sa kalikasan at peligrong dala nito.
Ito rin ang naging tugon ng Zamboanga del Norte sa lalawigan at naglabas rin ng ordinansa na nagbabawal sa lahat ng open-pit mining doon. Ilang mga mining firms rin ang masasagasaang nito, ngunit inaasahan naman na aapela ang mga ito sa naturang batas.
Ilang beses na rin ipino-protesta ng mga Subanon at mga pari ang naturang mining activities sa lalawigan dahil sa pagkasira ng kabundukan. Maging mga ancestral domain ng mga natibo sa Zamboanga Peninsula ay nasira na rin dahil sa pagmimina doon ng mga dambuhalang kumpanya.
At ito ay sa likod ng kakapiranggot na buwis na nakukuha ng pamahalaan kung ihahambing sa limpak-limpak na salapi mula sa ginto, pilak at tanso na nililimas ng mga minahan doon.
Bukod pa rito ang isyu ng human rights violations na ipinupukol sa mga minahan. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment