Showing posts with label Barangay Tanod. Show all posts
Showing posts with label Barangay Tanod. Show all posts

Tuesday, March 20, 2007

Barangay Tanod, Namaril Sa Sayawan!

ILOILO (Mindanao Examiner / 20 Mar) – Isang barangay tanod ang dinakip ng pulisya matapos itong mamaril diumano sa isang benefit dance sa bayan ng Maasin nitong lalawigan.

Nabatid sa pulisya na may hinahabol umanong lalaki ang barangay tanod at galit na galit. Bitbit nito ang isang shot gun kung kayat nagkagulo sa sayawan.

Naispatan ito ng isang parak at pinigilan ngunit nagpupumiglas at ng makaalpas ay binaril ang isang grupo ng mga teenager na himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan, subali’t sugatan naman ang 5 sa kanila.

Lasing umano ang tanod ng maganap ang insdente sa Barangay sa bayan ng Maasin. Muntik na rin kuyugin nng mga galit na galit na residente ang suspek, ngunit napigilan lamang ito ng mga parak.

Sasampahan naman agad ng pulisya ng kaso ang tanod. (Mindanao Examiner)