CEBU CITY, Philippines (Mindanao Examiner / July 15, 2008) – A former US Army soldier residing in Cebu province in central Philippines was found murdered inside his apartment, police said Tuesday.
Police said Billie Thomas Hannon was found dead Monday in his home in Lapu-Lapu City. The 70-year old retiree from Texas was believed strangled to death by burglars, police said.
No other details were made available by the authorities about the foreigner, but his neighbors claimed Hannon was living alone since he divorced his Filipino wife. (Mindanao Examiner)
Showing posts with label Lapu-Lapu City. Show all posts

Tuesday, July 15, 2008
Wednesday, May 02, 2007
Sa Pagbagsak Ng Chopper, Sarangola Daw Ang May Sala?
MANILA (Mindanao Examiner / 02 May) – Sinisisi ngayon ng Philippine Air Force ang isang sarangola sa umano’y dahilan kung bakit bumagsak ang UH-1H helicopter nito sa Lapu-Lapu sa lalawigan ng Cebu.
Siyam na katao ang patay sa naturang trahedya na naganap nuong nakaraang linggo habang nasa isang training flight ang mga piloto nito.
Ngunit “pilot error” naman ang nakikita ng maraming mamamayan sa Cebu na siyang dahilan sa pagbagsak ng chopper.
Ayaw lamang umanong aminin ng PAF na pilot error ang dahilan ng pagbagsak ng chopper.
Dapat kasi ay mailayo ng mga piloto ang kanilang chopper sa mataong lugar kung sakaling ito ay babagsak. Dapat naman umanong bayaran ng PAF ang danyos-perwisyo nito sa mga pamilay ng nasawing sibilyan.
Karamihan sa nasawi ay mga pasahero ng dalawang tricycle na naipit sa chopper.
Sa ipinalabas na inisyal na resulta ng imbestigasyon, sinabi ni PAF Chief Lieutenant General Horacio Tolentino, lumilitaw na walang naging problema sa makina at kahit sa embargo ng gasolina ng chopper.
Bago ang insidente, normal aniya ang lipad ng chopper ngunit nawalan ng kontrol at napabagsak ng pumulupot na tali o nylon ng saranggola.
"Tumatakbo naman ng mahusay ang chopper, walang problema sa makina at gasolina. But the rotor system lost power due to the nylon cord," ani Tolentino sa pulong balitaan.
Aminado ang liderato ng PAF na wala itong mapapanagot o makakasuhan sa nangyari na maituturing lamang na aksidente. Ibinasura rin ng heneral ang posibilidad na nagkaroon ng pananabotahe.
Gayunman, binigyang-diin ni Tolentino ang mahigpit na babala sa pagpapalipad ng saranggola sa bisinidad ng paliparan o sasakop sa 2.5 milya ang layo mula sa gitna ng airport.
Umaapela si Tolentino sa pagkakaroon ng isang batas na mahigpit na magpapatupad ng no-kite flying zone.
Sa ngayon aniya, regulasyon lamang ng Air Transportation Office ang umiiral hinggil sa pagbabawal sa pagpapalipad ng saranggolangunit hindi istriktong namomonitor at naipatutupad bukod pa sa walang nakatakdang parusa sa mga paglabag.
Ipinunto ni Tolentino na kung may kaukulang batas na ay mas may awtoridad at mapapakilos ang pulisya para manghuli at magpakulong ng lalabag sa no-kite flying zone. (Juley Reyes)

Labels:
Air Crash,
Lapu-Lapu City,
Philippine Air Force
Subscribe to:
Comments (Atom)