PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / 03 Dec) - Pinuri ng mga sundalo at opisyal sa Western Mindanao ang pagkakatalaga sa isang beteranong Army commander bilang deputy commander ng First Infantry Division sa Zamboanga del Sur.
Pormal ng umupo si Brig. Gen. Hilario Atendido bilang deputy commander ni Gen. Raymundo Ferrer, ang pinuno ng First Infantry Division sa bayan ng Pulacan.
Dating naka-destino si Atendido sa Southern Command bago ito nanilbihan bilang assistant sa Armed Forces chief of staff sa Camp Aguinaldo sa Maynila at mula noon ay kung saan-saan na rin nadestino at muling nabalik sa Mindanao.
"Masuwerte kami dahil si Gen. Atendido ang nahirang na ADC (assistant deputy commander) ng (First Infantry) Division. Kilala namin ang taong iyan at bukod sa mabait ay talagang tapat sa tungkulin at masipag," ani ng isang sundalong nagpakilalang si Sgt. Roy Almario sa panayam ng Mindanao Examiner.
Maging si Ferrer ay puri-puri rin kay Atendido at katunayan ay balak rin nitong gawin spokesman ng Army sa Western Mindanao sa concurrent position.
Katulad ni Atendido ay mataas rin ang respeto ng mga tropa kay Ferrer na dating commander ng militar sa Basilan. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment