Monday, May 28, 2007

3 Patay, 3 Pa Sugatan Sa Sagupaan Kontra Rebelde Sa Masbate!

QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 28 May) - Tatlong miyembro ng Philippine Army ang napatay habang tatlo pa ang sugatan kasunod ng pakikipagsagupa sa mga gerilya sa Masbate province kahapon.

Nabatid kanina kay AFP Southern Luzon Command spokesman Lieutenant Colonel Rhoderick Parayno na dakong alas-8 ng umaga nang makabakbakan ng mga sundalo ng 9th Infantry Battalion Division ang tinatayang 40 rebelde sa Lahong, Baleno sa naturang lalawigan.

Sinabi ni Parayno sa pahayagang Mindanao Examiner na kinapos ng puwersa ang mga sundalo sa mga rebeldeng pinaniniwalaang nasa likod ng pambobomba sa Globe Telecommunications Inc. tower noong Sabado.

Tumagal ng apat na oras ang sagupaan na nagresulta ng pagkakasawi na hindi muna inihayag ang mga pagkakakilanlan.

Gayunman, nakilala ang mga sugatang sundalo na sina Privates First Class Xzeal De Ocampo, Gerry De la Cruz at Ian Solano.

Hindi naman matukoy ang dami ng mga napinsala sa panig ng gerilyang grupo habang nasamsam mula sa mga ito ang ilang molotov o improvised bombs. (Juley Reyes)

No comments: