Friday, May 25, 2007

Alegasyon Ng Dayaan Sa Basilan, Lumutang Sa You Tube!

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / 25 May) – Mahigpit ang siguridad sa Basilan province para sa isang special elections matapos na lumutang ang ibat-ibang akusasyon ng pandaraya.

Ngayon Sabado isasagawa ang special elections at nagtaas na ng antas ng siguridad ang mga awtoridad dahil sa banta ng terorismo at tangkang guluhin ang botohan.

Matindi ang akusasyon sa isa’t-isa nina Rep. Abdulgani “Gerry” Salapudin at Gov. Wahab Akbar. Inakusahan ni Salapudin ng pandaraya at vote-buying si Akbar ngunit ito rin ang ibinato ng gobernador sa kongresista.

Parehong nasa huling termino na sina Akbar at Salapudin. Si Akbar ay congress ngayon ang puntirya at gobernador naman kay Salapudin. Subalit asawa ni Akbar ang katungali ni Salapudin.

Lumutang rin sa Youtube.com ang isang pahayag ng babae ukol sa dayaan na naganap sa Basilan.

Sa kanyang pahayag ay sinabi nito kung paano tinakot ng Abu Sayyaf ang mga botante. Maging ang isang barangay chairman ay idinawit nito sa pananakot nuong araw ng halalan.

Ito ang nakasaad sa video clip: “A resident of Barangay Diki, Malamawi Island, Isabela City, Basilan recounts her harrowing experience where an active Abu Sayyaf member…terrorized voters of her barangay…in the recently concluded May 14 Elections.”

Mapapanood ang clip sa "http://youtube.com/watch?v=tEKg4PtEwI8." Hindi naman agad makupirma kung may katotohanan ang alegassyon at kung sino ang nasa likod ng paglalagay nito sa Internet. (Mindanao Examiner)

No comments: