SULU (Mindanao Examiner / Apr. 27, 2008) – Sisimulan na umano ang survey sa pagpapalawak sa airport ng Sulu upang mabuksan ang mas maraming mga ruta ng eroplano sa lalawigan.
Sinabi ni Sulu Gov. Sakur Tan na ang proyekto ay bahagi ng $3 milyong pondo na inilaan ng Estados Unidos matapos na humingi ng tulong ang Pangulong Gloria Arroyo kay President George Bush na palakihin ang naturang runway sa bayan ng Jolo.
“Malaki an gating pasasalamat kay Pangulong Gloria Arroyo at sa pamahalaan ng Estados Unidos dahil sa tulong na mapalaki ang ating airport at tiyak na ang mga mamamayan ang makikinabang dito sa proyekto,” ani ng pilantropong si Tan.
Maglalaan rin umano ng ilang ektaryang lupain si Tan para sa mahigit 200 pamilyang maaapektuhan ng expansion ng airport. At kung matatapos ang proyekto sa susunod na taon ay maaari ng makalapag ang masmalalaking eroplano sa Sulu tulad ng Airbus at iba pa. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment