(Ed. This email really came at a surprise and we are happy that Rodrigo finally found his long lost father. We are happy for Rodrigo. Below is the message we received today and we are re-posting Rodrigo's letter that led to all these events.)
New comment on your post #595 "Son Is Searching For His Father, Rodrigo Navarro Rapatan"
Author : Marechu Pelicano
(IP: 71.228.84.132, c-71-228-84-132.hsd1.fl.comcast.net)
E-mail : marechupelicano@yahoo.com.ph
URL : http://www.julitaleyteblogspot.com/
Whois : http://ws.arin.net/cgi-bin/whois.pl?queryinput=71.228.84.132
Wow! Di po ako makapaniwala, dahil dito ay natagpuan na ni Rodrigo Pelicano ang kanyang ama na simulat-sapul na magkaisip siya ay kanya ng hihanaphanap.
Maraming paraan ang ginawa niya, matagpuan lamang niya ang kanyang ama, ngunit maraming beses din siyang nabigo.
Ngayon araw na ito ay nakatakdang magkausap ang mag-ama sa unang pagkakataon, 26 years muna ang nagdaang panahon, bago mangyari and inaasam- asam ni Eric o Rodrigo, Jr pa naman siya sa kanyang ama.
In behalf of my nephew, Rodrigo Pelicano, maraming salamat po The Mindanao Examiner, kayo po ang naging daan sa nakatakdang paguusap at pag kilala ng mag-ama. Mangyari po kahapon lamang nangyari ito, at yong kapatid pala ni Rodrigo ang nakahanap nitong panawagan niya, sa kanyang ama!
Lubos na nag papasalamat,
Marie
You can see all comments on this post here:http://zamboangajournal.wordpress.com/2006/08/22/son-is-searching-for-his-father-rodrigo-navarro-rapatan/#comments
Son Is Searching For His Father, Rodrigo Navarro Rapatan
August 22, 2006 at In Uncategorized
Dear Sir/Ma’am:
Good day to you! Ako po si Rodrigo M. Pelicano, taga Leyte. Ako po ay 24 taong gulang na. Nakita ko po ang address ninyo sa Internet. Alam ko pong hindi ito akma sa topic ng inyong column pero nagbabakasakali pa rin po ako na inyo po akong pagbibigyan.
Sumulat po ako sa inyo sa pagbabakasakaling kayo ang magiging daan kung paano ko mahahanap ang aking ama na nasa Mindanao, partikular po sa Cagayan de Oro City. Sa kasamaang palad hindi ko po batid kung saan siya eksaktong nakatira sa Cagayan.
Ilalahad ko po kung ano ang kwento sa likod ng aking pangalan. Ako po si Rodrigo at matagal ko nang hinahanap aking ama, mangyari pong naanakan lang po ang aking ina noong 1982 ng aking ama sa Cagayan nung nakapagtrabaho ang aking ina doon.
Noong pong nagkahiwalay sila ay hindi alam ng aking ama na nagsilang ang aking ina ng isang sanggol at ako po yon.
Ma’m/Sir, sana ay matulungan po ninyo ako sa aking problema. Ang tagal-tagal ko na pong hinahanap sa aking ama, subalit hindi ko alam kung saan ang tamang lugar o paraan o taong makakatulong sa akin.
Ang pangalan po ng aking ama ay RODRIGO NAVARRO RAPATAN. Umaasa po akong makikita ko pa siya. Mula ng ako ay isilang hindi ko pa po siya nakikita. Sana po maintindihan niyo po ang aking nararamdaman.
Wala po akong ibang hangad kundi ang makita at makilala siya. Kung sakaling may nakakakilala po sa aking ama ay maari po akong matawagan sa 0920-211-8971.
Maraming salamat po!Pakipanawagan naman po. I believe this is the best way in searching my father.
Thank you very much!
Gumagalang,
Rodrigo Pelicano
http://www.topix.net/forum/ph/zamboanga/T6GL2D3ITE3DR2OQ6
No comments:
Post a Comment