MAGUINDANAO (Mindanao Examiner / Sept. 28, 2008) – Habang papalapit ang pagtatapos ng Ramadan ay nadarama naman ang unti-unting opensiba ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa Mindanao.
Hindi makaporma ng husto ang MILF sa atake ng militar dahil ang buwan ng Ramadan ay ang pinaka-banal sa Islam. Sa tuwing Ramadan ay nagaayuno o nagpa-fasting ang mga Muslim at tanging pagdarasal ang ginagawa ng karamihan.
Ngunit magtatapos na ang Ramadan sa Oktubre 1 at dama na ang tindi ng galit ng MILF dahil dumadalas na ang atake nito sa mga puwersa ng pamahalaan. Halos hindi makaganti ang MILF sa atake sa kanila dahil sa Ramadan.
Ngunit sa mga nakalipas na araw ay marami ng atakeng inilunsad ang rebeldeng grupo at sa mga nakalipas na araw ay tinira ng MILF ang ilang puwesto ng militar sa Maguindanao at North Cotabato.
Inaasahang magkakaroon ng malaking labanan matapos ang Ramadan. Ito rin ang sinabi ng MILF nuong nakaraang linggo at nagbantang maglulunsad ng opensiba kungn hindi titigil ng atake ang pamahalaang Arroyo.
Iginiit ng militar na target nito ang mga rebeldeng nasa likod ng atake nuong nakaraang buwan sa North Cotabato, Lanao del Norte, Sarangani, Maguindanao at iba pang lugar sa central Mindanao.
Nais ng pamahalaan na madakip o mapatay sina MILF commander Ameril Kato, Abdurahman Macapaar at Sulayman Panglian na siyang nasa likod ng atake na ikinamatay ng maraming sibilyan.
Sinuspinde ni Pangulong Gloria Arroyo ang peace talks at binuwag na rin nito ang government team na nakikipagusap sa rebeldeng grupo matapos na magmatigas ang MILF na huwag isuko ang tatlong commanders at iba pang sabit sa madugong raid.
Sinabi ng MILF na ang pagkakabasura sa ancestral domain na inisyal na nilagdaan ng mga peace panels nuong July ang siyang dahilan ng gulo sa Mindanao. Hindi na rin makikipagusap ang MILF sa pamahalaang Arroyo dahil sa naunsyameng ancestral domain deal. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment