Tuesday, November 18, 2008

Peste nagbabanta sa Negros!


Photo of mealybug - from Answers.com


NEGROS ORIENTAL – Nanganganib ang mga taniman ng niyog at sagingan dahil sa mga pesteng sumisira ngayon sa mahigit 200 ektarya sa lalawigan ng Negros.

Ayon sa mga magsasaka ay napeste ng husto ang kanilang mga tanim ng mga insektong mealybug. Ilang barangay na ang apekatdo ng peste at dahil dito ay natatakot ang mga magsasaka at kooperatiba na tuluyang buimagsak ang ani ng niyog at saging, partikular sa bayan ng Valencia.

Ipinarating na rin umano kay Valencia Mayor Rodolfo Gonzales ang naturang problema at ito ngayon ang pinagtutunan ng atensyon ng punong-ehekutibo. Maging lokal na agriculture office at ang Philippine Coconut Authority ay umaksyon na rin upang pigilin ang pagkalat o paglaganap ng mealybug sa ibang mga bayan.

Sa ulat naman ng pahayagang Sunstar sa Negros ay sinabi umano ni Valencia agriculturist Rescil Vincoy na halos lahat ng mga taniman ng niyog sa Barangay Lunga at Apolong ay na-expose na sa mga peste at maging mga sagingan at ibang taniman sa Barangays Sagbang, Bongbong, Jawa, West Balabag at Mampas ay nahagip na rin ng peste. (Mindanao Examiner)

No comments: