Tuesday, January 20, 2009

Impormante ng pamahalaan, patay sa atake sa Kidapawan City

KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / Jan. 20, 2009) – Patay ang isang dispatcher ng jeep matapos itong barilin Martes ng hapon sa lungsod ng Kidapawan sa North Cotabato.
Kinilala naman ng pulisya ang biktima na si Pipoy Antipuesto. Hindi naman mabatid kung ano ang tunay na panagalan ni Pipoy o ang motibo sa krimen. Dakong alas 2.15 n.h. naganap ang pamamaril, ayon sa pulisya.

Kalibre .45 umano ang ginamit ng dalawang suspek sa pagpatay kay Antipuesto at agad itong tumakas sakay ang kanilang motorsiklo na may plakang 9658.

Isang sibilyan rin na si Tony Alonzo ang sugatan ng tamaan ito ng ligaw na bala sa dibdib at kritikal ang kondisuon. Natutuloy umano si Alonzo ng ito’y mahagip ng bala, ayon sa pulisya.

Nabatid na isa umanong government informant si Antipuesto at isa ito sa sinisipat ng mga awtoridad na posibleng dahilan ng atake. (Geonarri Solmerano)

No comments: