MAYNILA (Mindanao Examiner / December 9, 2009) – Tahasang iniugnay ng pulisya kahapon si Datu Unsay town mayor Andal Ampatuan Jr at iba pang clan member sa brutal na pagpatay sa 57 katao, kabilang ang 30 journalists sa Maguindanao province nuong nakaraang buwan.
Umabot na umano sa 161 ang bilang ng mga iba pang suspek sa masaker, kabilang ang mga parak at sundalo at mga government militias na nagsisilbing private army ng mga Ampatuan sa Maguindanao.
Mismong si Philippine National Police chief Jesus Verzosa ang nagsabing kilala nila ang halos lahat ng mga suspek masaker na naganap nuong Nob. 23 sa bayan ng Ampatuan. Kabilang sa mga napatay ay ang asawa at mga kapatid at supporters ni Buluan town vice mayor Esmael Mangudadatu, na kandidato sa pagka-gobernador ng Maguindanao at kalaban sa pulitika ni Andal Jr.
Itinuro rin umano ng mga saksi si Andal Jr na siyang nanguna sa pamamaril sa mga biktima matapos na harangin ang convoy ng mga Mangdadatu sa bayan ng Shariff Aguak.
Naaresto si Andal Jr tatlong araw matapos ng masaker at nasundan rin ito sa pagdakip sa amang si Andal Sr, na gobernador ng Maguindanao, at mga anak at kamag-anakan na sina Zaldy Ampatuan, ang gobernador ng Muslim autonomous region, Anwar Ampatuan, Sajid Ampatuan Akmad Ampatuan at maraming iba pa.
Isinailalim ni Pangulong Arroyo ang buong Maguindanao sa martial rule nuong Disyember 4 at mula noon ay napakaraming mga matatas na kalibreng armas at mga bala ang nahukay doon na pinaniniwalaang pagaari ng mga Ampatuan.
Sinipat na rin ng mga awtoridad ang ibang mga kaalyado ng angkan mula sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi na dumalaw sa mga Ampatuan sa Maguindanao bago sila dinakip dahil sa hinalang nagbenta sila noon ng mga armas sa naturang angkan.
May mga intelligence reports rin na maging ang mga kaalyadong pulitiko ng mga Ampatuan sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ay may mga private armies rin at nagtatago ng maraming armas. Binabantayan umano ng mga intelligence agents ng militar at pulisya ang mga nasabing pulitiko. (Mindanao Examiner)
Wednesday, December 09, 2009
Masaker suspek, lalong nadiin sa krimen!
Labels:
Andal Ampatuan Jr,
Maguindanao Massacre
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment