Endorser Cesar Montano and Mega Sardines. (Mega Fishing)
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / January 5, 2010) – Ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources ang dalawang factory ng Mega Sardines sa Zamboanga City dahil umano sa polusyon.
Ang Mega Sardines ang isa sa pinakamalaking factory ng mga de-latang sardinas sa buong bansa, ngunit ayon sa DENR ay hindi umano ito nakapasa sa criteria ng Clean Water Act kung kaya’t ang factory nito sa Barangay Ayala at Talisayan ay agad na ipinasara nuong Disyembre 31, ayon kay Allan de Gala, ang regional director ng Environment Management Bureau sa Western Mindanao.
Dapat umano ay mas maaga nitong naipasara ang factory, ngunit dahil sa kapaskuhan at sa mga empleyadong nagtatrabaho ay pinayagan naman ng DENR-EMB na maibenta ang mga stocks ng Mega Sardines.
Mismong ang Pollution Adjudication Board ang nag-utos na isara ang factory sa Zamboanga City hanggang sa maipatupad ng Mega Sardines ang kakulangan nito sa criteria.
“Wala tayong magagawa kundi ipatupad yun order ng Pollution Adjudication Board dahil nga hindi nakapasa ang Mega Sardines sa criteria ng Clean Water Act. At Kapag natupad na ito ay pede ng muling nagbukas ang factory,” ani De Gala sa panayam ng Abante mula sa kanyang tanggapan sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur.
Ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na isinara ang Mega Sardines. Sa television commercial ni Cesar Montano mas nakilala ang Mega Sardines. Ang factory ay nagsu-supply ng mga sardines sa halos 20 bansa.
Sinabi ni De Gala na ang factory sa Barangay Talisayan ay ang kinalalagyan ng cold storage ng Mega Sardines at pagawaan ng fish meal at ang sa Barangay Ayala naman ang kanilang production plant – parehong bumagsak ito sa criteria ng Pollution Adjudication Board.
Idinagdag pa ni de Gala na sinusubaybayan rin nila ang mga iba pang mga sardines at oil mill factories sa Zamboanga City kaugnay sa isyu ng Clean Water Act. Hindi naman mabatid kung gaano katagal ang pagsasara ng Mega Sardines, ngunit sinabi ni De Gala na depende ito sa factory kung gaano nito kabilis ipatutupad ang kautusan ng EMB na ayusin ang kanilang waste water treatment plant.
“Depende na ito sa Mega Sardines kung gaano nila kabilis na maayos ang kanilang water treatment facility,” ani De Gala.
Hindi naman agad makunan ng pahayag ang Mega Sardines sa Zamboanga City at tanging guwardiya lamang ang bantay sa factory. “Walang tao dito at sarado lahat,” ani pa ng guwardiya na ayaw naman magpakilala.
Si William L. Tiu Lim ang tumatayong President at CEO ng Mega Fishing Corporation na siyang nagpapatakbo sa Mega Sardines. Mahigit ng 30 taon ang Mega Sardines sa bansa.

Nuong nakaraang taon ay ipinag-utos rin ng Pollution Adjudication Board ang pagsingil ng penalty sa ilang malalaking kumpanya sa Regions 7, 9 at National Capital Region, at kabilang dito ang SM Megamall dahil sa paglabag sa probisyon ng Clean Water Act o Republic Act No. 9275.
Kabilang sa mga nagbayad ng multa ay ang SM Megamall buildings A at B – P5 milyon ang ibinayad nito; gayun rin ang Euro Swiss Foods Inc. – P1.8 milyon; White House Oil Mill and Soap factory - P1 milyon; Rhikio Southeast Asia Inc., - P1 milyon at Profoods International – P810,000. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment