Tuesday, February 16, 2010

Sayyaf, lumusob sa Basilan!

BASILAN – Isang sundalo ang sugatan diumano matapos na lusubin diumano ng mga hinihinalang Abu Sayyaf ang detachment ng militar sa bayan ng Sumisip.

Ayon sa mga ulat ay pinangunahan umano ni Puruji Indama ang naturang atake nuong Lunes sa Barangay Pamatsaken na kung saan ay naroon ang isang detachment ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Hindi naman mabatid kung may nasawi o sugatan sa panig ng Abu Sayyaf na siyang itinuturong sabit sa ibat-ibang karahasan sa magulong lalawigan na kabila sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Wala naman pahayag ang pamunuan ng provincial government ukol sa mga kaguluhan sa Basilan na kungn saan ay bihag pa ng teroristang grupo ang dalawang Chinese nationals na dinukot sa isang plywood factory nuong nakaraang taon pa. (Mindanao Examiner)

No comments: