Si Mhon Sabal, na tumatakbo sa pagka-alkalde at ang katuwang na si Alan Sabal, na kandidato sa pagka-bise alkalde sa proclamation rally na isinagawa sa bayan ng Talitay sa lalawigan ng Maguindanao. Dinagsa ng napakaraming tao ang naturang rally na kung saan ay inilatag ni Mhon at Alan Sabal ang kanilang plataforma de gobyerno. (Mindanao Examiner Photo – Mark Navales)
MAGUINDANAO (Mindanao Examiner / Abril 2, 2010) – Dinagsa ng libo-libong katao ang proclamation rally nina Mhon at Allan Sabal ng Liberal Party sa bayan ng Talitay sa lalawigan ng Maguindanao.
Isang malaking motorcade rin ang idinaos ng grupo ni Mhon Sabal na tumatakbo bilang alkalde at kasama nito ang katuwang na si Allan Sabal sa pagka-bise alkalde.
Naroon rin sa rally na ginanap nuong Marso 31 si ex-Sultan Kudarat Mayor Tocao Mastura, ang provincial chairman ng LP, at maging ang sikat na singer na si Datu Khomeini Bensuan ay tumatakbo rin sa ilalim ng AMANA (Aksyon ng Mamamayang Nagkakaisa) Party List.
Inilatag rin ni Mhon at Allan Sabal ang kanilang plataforma de gobyerno at isa-isang ipinaliwanag ang kanilang mga plano kung sakaling mahalal sa darating na eleksyon sa Mayo.
Hindi naman magkatalima ang mga supporters nina Sabal at halos malunod ang mga ito sa lakas ng palakpakan at hiyawan ng mga tao sa tuwing magsasalita o babanggitin ang kanilang mga pangalan.
Malakas ang line-up nina Mhon at Allan Sabal at sa dami ng mga taong sumalubong at dumalo sa kanilang rally ay tila mga artista ang dalawang pamosong pulitiko sa laki ng suportang tinatanggap mula sa publiko.
Sinigurado naman nina Mhon at Allan Sabal ang kapakanan ng mga maralita at publiko at siguridad sa bayan ng Talitay, gayun rin ang mga pagbabago at programang pangkalakal sa nasabing bayan kung papalarin na manalo sa eleksyon.
Kilalang mabait at matulingin sina Mhon at Allan Sabal sa nasabing lugar kung kaya't di kataka-taka ang laki ng suportang tinatanggap ng dalawa at ng kanilang grupo. (Mark Navales)

No comments:
Post a Comment