ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / May 23, 2010) – Pinakikialaman ng Department of Education ang binansagang “Jejemon” texting style ng mga teenagers sa kabila ng mas maraming suliranin na hinaharap ng ahensya sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.
Naging tanyag ang “Jejemon” texting dahil sa ibang spelling ng mga SMS nito na pinauso ng mga teenagers.
Hindi naman mabatid kung ano ang pakialam ng Department of Education sa naturang texting style ng mga kabataan ngayon, ngunit dapat umanong pagtuunan ng ahensya ang kakulangan ng mga libro, upuan, at kuwarto at paaralan sa buong bansa, partikular sa Mindanao.
Sinabi ni Department of Education Assistant Secretary Jonathan Malaya na dapat ituwid umano ng mga “Jejemon” texters ang kanilang mga SMS upang mas madaling maintindihan ng mga bumabasa ng kanilang mensahe sa cell phone.
“They should be able to send communication in a manner that is comprehensible…the Department of Education has to make a stand. The teachers should teach students the right way to communicate,” ani Malaya.
Isang halimbawa ng “Jejemon” texting ay: “'e0wSsZz pOwhhZzmUsZtAhH nUah pOwhHzz kEowHsz?” na kung iintindihin lamang ay ang ibig sabihin: “Hello po, musta na po kayo?”
Isang “Jejemon” texter ang nagsabing dapat napuna rin ng Department of Education ang kanta ng Sex Bomb Dancers na “Bilog na Hugis Itlog” dahil kahit saan angulo tignan ang hugis ng itlog ay hindi ito bilog kundi oblong.
“Ang dami pong problema namin mga estudyante tulad ng libro, desk at silya, silid-aralan, pero ang pagte-text ba namin ng Jejemon ay panghihimasukan pa ng DepEd? Yun nga pong kanta ng Sex Bomb (Dancers) na Bilog na Hugis Itlog ay mali po, bakit hindi nila pinansin? Bilog po ba ang hugis ng itlog?,” tanong pa ni Jejemon Rhea. (Mindanao Examiner)
1 comment:
Hindi yata napansin nitong rhea na bumaba na ang comprehension niya dahil sa jejetexting... sa "Bilog na Hugis Itlog", "Bilog" ang noun at "Hugis Itlog" ang adjective kaya walang mali dito.
Ang mali ay pag sinabing "Itlog na Hugis Bilog" kung saan applicable ang sinabi niyang "Bilog po ba ang hugis ng itlog?"
Post a Comment