ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / June 1, 2010) – Nabubuysit at naiinis na ang maraming mga motorista sa patuloy na pagbubungkal ng mga kalsada ng pamahalaang lokal dahil sa malaking abalang dala nito.
Nagsimula ang kaliwa’t-kanan ang paggigiba sa mga sementadong kalsada sa Zamboanga nuong kasagsagan ng kampanya sa nakaraang halalalan. At reklamo ng mga motorista ay ang mahabang trapikong dulot ng mga pagbubungkal at muling pagsesemento nito sa ibat-ibang mga barangay.
Ang matindi pa umano ay mistulang random ang pagpili ng mga kalsadang gigibain upang muling sementuhin kahit na ang mga maliliit na bitak nito ay maari naman lagyan ng aspalto. Karamihan ng mga proyekto ay sa kapaligiran ng downtown Zamboanga na kung saan ay ipinapakita sa publiko na may mga proyekto ang pamahalaan.
Ang masakit pa nito, ayon sa mga nagrereklamong motorista, ay mas maraming mga kalsada sa mga ibang barangay ang mas kailangan ng repair subali’t hindi naman ito binibigyan ng pansin.
Hindi rin mabatid kung sino ang nagsasabing kung anong bahagi ng kalsada dapat na gibain dahil ang mga katabing bloke ng mga giniba at sinimento ay may mga bitak rin.
Iginiit naman ng City Hall na nasa budget ang proyekto kung kaya’t dapat itong ipatupad.
“Malapit ng pasukan eh hindi pa tapos ang mga kalsadang giniba nila, abala ito sa amin…grabe talaga dito,” ani Alvin Lardizabal, isang pribadong driver.
Nais naman ng iba na pamibestigahan sa Ombudsman o sa grupo ng inhinyero ang mga proyekto upang mabatid kung nasa ayos ba ang mga ito. (Mindanao Examiner)
Tuesday, June 01, 2010
Motorista inis na sa bungkalan ng kalsada sa Zambo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment