Sunday, September 12, 2010

Zambo, ibang bahagi ng Mindanao, balot na naman ng blackout!


ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Sept. 12, 2010) – Muli na naman binuysit ng sunod-sunod na blackout ang Zamboanga City sa mga nakalipas na araw at batikos ang tinatanggap ng lokal na kooperatiba mula sa publiko.

Ilan sa mga himpilan ng radio naman ay nagsabing nasira ang kanilang mga computers dahil sa blackout. Maging ang boltahe ng kuryente ay madalas bumaba sa 220 volts kung kaya’t lalong nadagdagan ang hinaing ng publiko dahil sa naapektuhang mga appliances.

Isang tanggapan naman ang nagsabi sa Abante na nasira ang baterya ng kanilang UPS o universal power supply dahil sa eratik na blackout at mababang kuryente mula sa Zamboanga City Electric Cooperative.

Sa ibang bahagi ng Mindanao ay 9 na oras naman ng blackout ang inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines upang maayos diumano ang daloy ng kuryente sa kahabaan ng Maramag-Kibawa 138-kilovolt transmission sa lalawigan ng Bukidnon.

Saklaw nito ang buong lalawigan ng Cotabato, Davao, Maguindanao, Sultan Kudarat at katabing mga lugar.

Nitong taon lamang ay napeste ng ilang buwan ang malaking bahagi ng Mindanao, kasama ang Zamboanga City sa 9 na oras na rotational blackout dahil sa kakulangan ng kuryente sa rehiyon. (Mindanao Examiner)

No comments: