ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Oct. 1, 2010) – Nasabugan ng ilaw ng incubator ang isang sanggol sa Zamboanga Medical Center dito at agad naman ipinukul ng pagamutan ang sisi sa biglang pagtaas diumano ng daloy ng kuryente.
Sinigurado naman ng Zamboanga Medical Center na gagamutin nito ang sanggol na nagkasugat-sugat ang mukha dahil sa tama ng mga bubog mula sa sumabog na ilaw. Nabatid na nuong nakaraang lingo pa nasa incubator ang sanggol.
Ngunit sinisi naman ng iba ang pagamutan dahil sa kawalan nito ng automatic voltage regulator upang masigurong ligtas ang lahat ng mga incubator nito.
Nuong nakaraang buwan lamang ay isang pasyente naman ng Zamboanga Medical Center ang binaril sa loob mismo ng pagamutan. Marami na rin tinanggap na reklamo ang pagamutan dahil diumano sa mga pagsusungit ng mga duktor at nurses nito sa mga mahihirap na pasyente.
Maging ang mga reporters na nagko-cover sa Zamboanga Medical Center ay nagre-reklamo na rin dahil sa hindi pagpayag ng administrador nito na makunan ng video ang mga pasyente ng karahasan dito. (Mindanao Examiner)
Friday, October 01, 2010
Sanggol, nasabugan ng ilaw ng incubator sa Zambo
Labels:
Incubator,
Zamboanga Medical Center
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment