Si Heneral Raymundo Ferrer habang kausap ang isang dayuhang manunulat mula Australia. (Mindanao Examiner)
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Dec. 19, 2010) – Sinigurado kahapon ng militar sa Mindanao na magiging transparent ito sa media sa lahat ng aspeto, partikular sa kasalukuyang sitwasyon sa katimugan.
Sinabi mismo ni General Raymundo Ferrer, commander ng Western Mindanao Command, na ipinag-utos nito sa mga commanders na maging tapat sa lahat ng kanilang gawain.
“Wala tayong itatago dito at kailangan ay transparent ang lahat sa media. Ang media ay ating katuwang upang sa gayun ay malaman ng publiko ang ating mga ginagawang mabubuti,” ani Ferrer.
Malayo sa kanyang mga pinalitan si Ferrer sa pakikitungo sa media. Ilang beses na rin nireklamo ng media ang maraming mga commanders ng militar dahil sa pagtatago ng mga impormasyon may kinalaman sa operasyong kontra bandido at rebeldeng grupo sa katimugan.
Si Ferrer ay kilalang peace advocate sa Mindanao at isa sa mga respetadong henaral sa bansa. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment