Fireworks in Zamboanga City. (Mindanao Examiner Photo)
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Jan. 1, 2011) - Sa Zamboanga City sa Mindanao ay kapuna-puna ang pagtitipid ng maraming tao sa pagsalubong sa Bagong Taon – wala masyadong mga fireworks dahil na rin sa kamahalan nito.
Ngunit mas dumami naman ang mga gumamit ng mga torotot sa kanilang pagiingay sa pagsalubong sa 2011. “Mahirap ang buhay ngayon at lahat ay mahal kaya konting mga sparklers lang ang aming binili at mas marami ang mga torotot. Tapos ng 12 o’ clock eh kumain lamang and then tulog na kami lahat,” ani Melchor Simbulo, 49, negosyante.
At tulad naman sa inaasahan ay ilang katao rin ang isinugod sa pagamutan dahil sa sugat sanhi ng Piccolo at mga rebentador ngunit walang seryosong naitala sa 17 dinala sa Zamboanga Medical Center, ayon sa staff ng pagamutan na nagpakilala lamang na si Jane.
“Wala naman pong seryoso sa mga 17 na-admit at halos lahat ay nakalabas naman po sa ospital matapos ng ginawang lunas,” ani Jane sa Mindanao Examiner.
Subalit sa kabila ng selebrasyon ay sakit naman ng ulo ang dinaranas ng karamihan dahil sa mga naiwang utang ng nakaraang taon at selebrasyon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
“Daming utang, yun asawa ko eh puro utang para maipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon. Sinabi ko ngang huwag ng masyadong maghanda at mahirap ang buhay pero hayun at nangutang pa rin,” reklamo naman ng karpenterong si Del Gonzales, 52.
Wala naman naiulat na karahasan sa pagdiwang ng Bagong Taon sa Zamboanga City. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment