KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / Jan. 5, 2011) – Isang liaison officer ni boxing superstar at congressman ng Sarangani province Manny Pacquiao ang nabaril sa Koronadal City sa South Cotabato, ngunit himalang nakaligtas, bagama’t sugatan.
Sinabi ng pulisya na posibleng may kinalaman sa kanyang trabaho ang tangka sa buhay ni Abdulwahid Bualan na siyang umaareglo diumano sa mga lupain ni Pacquiao.
Naganap umano ang pamamaril nuong Martes ng hapon sa harapan mismo ng Department of Environment and Natural Resources, ngunit mabilis naman nakatakas ang gunman sakay ng isang motorsiklo at saka lumipat ng isang sasakyan kasama ang kanyang back-up at lookout.
Nabatid naman sa ibang ulat na hindi pumutok ang unang pamamaril sa biktima dahil nag-jam ang .45-pistola nito at kinailangan pang ikasang muli at sa ikalawang pagkakataon ay pumutok ito at nahagip sa bandang balikat si Bualan.
Hindi naman mabatid kung sino ang nasa likod nito at patuloy pa rin ang pulisya sa pangangalap ng mga lead sa naganap na atake. Walang inalabas na pahayag ang kampo ni Pacquiao ukol sa bigong pagpatay sa kanyang liaison officer. (Geo Solmerano)

No comments:
Post a Comment