CAGAYAN DE ORO CITY (Mindanao Examiner / Jan. 3, 2011) – Lubog sa baha ang malaking bahagi ng bayan ng San Francisco sa lalawigan ng Agusan del Sur at gayun rin sa lungsod ng Surigao sa Surigao del Norte dahil sa patuloy na buhos ng ulan sa Mindanao.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad ay umabot na sa mahigit 1,500 ang bilang ng mga nasalanta ng baha sa naturang mga lugar at patuloy ang pagdagsa ng mga evacuees sa ibat-ibang center na itinalaga ng Department of Social Welfare and Development at pamahalaang lokal.
Karamihan sa mga evacuees ay walang pagkain kung kaya’t tulong ang iniiyak ng mga ito. Hindi umano sapat ang mga bigas at de-letang ibinibigay sa kanila. Kailangan rin umano ng mga ito ang gamot sa ubo, sipon at lagnat para sa mga batang nadale ng trangkaso.
Wala naman naitalang nalunod o nasawi ang DSWD sa nasabing lugar, subali’t hindi pa umano pumapasok sa ahensya ang ibang ulat mula sa ibang parte ng dalawang lalawigan.
Magpapatuloy umano ang malakas na ulan, ayon sa weather bureau, sa mga susunod pang araw.
Sa Zamboanga City ay ilang barangay rin ang binaha dahil sa malakas na ulan nuong Linggo. Makulimlim pa rin ang panahon sa nasabing lungsod.
Nagbabala naman ang mga awtoridad sa mga nakatira sa mga esteros at ilog na lumikas muna pansamantala upang maging ligtas sa banta ng flash flood na siyang sanhi naman ng pagbaha sa Surigao at ibang bahagi ng Mindanao. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment