ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Feb. 13, 2011) – Good news sa mga Pinoy nurses dahil mahigit sa 200 ang kailangan ng Al Hilal Private Nursing and Medical Services sa Dubai sa United Arab Emirates.
Ito ang nabatid sa CEO ng Al Hilal Private Nursing and Medical Services na si Mr. Atallah Habib na bumisita sa Zamboanga City kamakailan. Sinabi nitong daan-daan pang mga nurses at medical support staff ang kailangan ng kanyang kumpanya.
Naghahanap rin ng maraming mga Muslim nurses ang Al Hilal, ayon sa CEO dahil sa dami ng requirements ng mga ibat-ibang pagamutan at pribadong pamilya sa UAE at maging sa Saudi Arabia at ibang bahagi ng Middle East ay nangangailangan rin umano ng karagdagang nurses.
“Filipino nurses are really good because they are hardworking and honest and really good in the job and that’s why we are getting more and more Filipino nurses,” ani Habib.
Direct hiring naman umano ang ginagawa ng Al Hilal upang hindi na dumaan sa mga recruitment agencies na sumisingil ng napakamamahal sa ang mga aplikante.
Isang Pinay nurse naman ang Assistant Manager ng Al Hilal na si Nemia Macabugao at siya ang inatasan ng dayuhan na mangalap ng mga aplikante hindi lamang sa Zamboana City o Mindanao, kundi buong bansa.
“Opo, sa ngayon po ay talagang in-demand ang nurses sa aming company dahil kami ang nagsu-supply nito sa mga pagamutan, kumpanya at mga pribadong pamilya. Gusto po talaga nila ang mga Pinay nurses dahil masipag daw mo at totoo naman po ito kung kaya’t mga Pinay nurses na po ang aming kinukuha,” ani Macabugao.
Sinabi nito na dapat ay may dalawang taong experience o mas mataas ang mga nurses na nais mag-trabaho sa Al Hilal at mas mainam umano kung may background sa hospital emergency room o sa operating room. “Sa mga nais po na magtanong ukol sa aming pangangailangan ay maari po akong padalhan ng email sa nemia@hilalnursing.com at sasagutin ko ang lahat ng inyong mga tanong,” ani Macabugao.
Sa Zamboanga Peninsula lamang ay 12,000 nurses ang walang trabaho, ayon sa statistics at sa buong bansa ay posibleng mahigit ito sa 150,000. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment