DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Mar. 20, 2011) – Nilusob ng mga rebedeldeng New People’s Army ang isang himpilan ng pulisya sa lungsod ng Panabo sa Mindanao at napatay ang opisyal nito at apat na iba pa ang sugatan.
Ayon sa pulisya ay mahigit sa tatlong dosenang mga rebelde ang umatake Kamakalawa ng gabi sa Panabo City. Hindi naman ibinigay ng pulisya ang pangalan ng opisyal na nasawi, ngunit kinumpirma ng mga awtoridad ang naganap.
Nagkaroon rin umano ng labanan, ngunit walang nagawa ang himpilan dahil sa dami ng mga rebelde. Sinamsam rin ng NPA ang ibat-ibang armas sa loob ng himpilan bago tumakas.
Hindi naman agad nagbigay ng pahayag ang NPA sa naganap, ngunit patunay lamang na walang humpay ang opensiba nito sa bansa. Naganap naman ang atake ng NPA sa kabila ng pahayag ng pamahalaang Aquino na “on the brink of extinction” na ang komunismo sa bansa.
Naganap rin ang atake sa kabila ng peace talks sa pagitan ng mga rebelde at pamahalaan. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment