Ang composite computer image ni Umar Patek na nadakip sa Pakistan matapos na makatakas mula sa Pilipinas.
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 29, 2011) – Nadakip na rin sa wakas ang kilabot na Jemaah Islamiya bomber na si Umar Patek sa bansang Pakistan matapos na tumakas ito mula sa lalawigan ng Tawi-Tawi sa katimugan ng Mindanao.
Hindi naman mabatid agad ang lugar na kung saan nadakip si Patek, subalit Kinumpirma naman ito ng mga intelligence officials sa Indonesia na kung saan ay sabit ito sa madugong pambobomba sa Bali nuong 2002 na ikinamatay ng 202 katao, karamihan ay mga dayuhan mula sa Australia.
Huling nakita sa Tawi-Tawi province si Patek, 40, nuong nakaraang Nobyembre lamang at sa kabila ng matinding paghahanap sa kanya ay nakatakas pa ito Patungong Pakistan at hinihinalang sa Malaysia pa ito nagdaan sa kanyang pagpuga.
May reward na $1 milyon si Patek mula Estados Unidos mahuli man buhay o patay at ito rin ang umano’y nagtutulak sa maraming Muslim sa Tawi-Tawi - sibilyan man o militar o pulis – sa paghahanap sa kanya.
Ayon sa mga ulat ay isang video ang ipinasa ng Institute for Peace, Violence and Terrorism Research sa television giant ABS-CBN at doon makikita si Umar Patek, 40, na may bitbit na armas.
Wanted rin si Patek ng pamahalaan dahil sa mga kinasasangkutan nitong mga kaso at pinaghahanap rin ng Estados Unidos at Australia. Naunang inulat ng militar na napatay nito si Patek, alias Umar Kecil, nuong 2006, ngunit binawi rin ito at sinabing ang dayuhan ang siyang nagtuturo sa Abu Sayyaf na gumawa ng mga bomba.
Ang Abu Sayyaf ang pinaniniwalaang nagbibigay ng proteksyon sa terorista.
Maging ang Australia ay nagsabing nasa pangangalaga ng Abu Sayyaf si Patek na tauhan ng napatay na Indonesian bomber na si Dulmatin – parehong tumakas patungo sa Mindanao ang dalawa matapos ng Bali bombing at ito rin ang dahilan kung bakit nagbuhos ng maraming puwersa ng Estados Unidos sa Sulu at Tawi-Tawi.
Sinabi pa ng Australia na may collusion sa pagitan ng Abu Sayyaf at Moro Islamic Liberation Front at Jemaah Islamiya base na rin sa mga nakuwang dokumento sa kampo ng Abu Sayyaf sa katimugan. Nagtuturo umano ang mga Jemaah Islamiya ng paggawa ng bomba sa dalawang rebeldeng grupo kapalit ng armas at proteksyon.
Naunang itinanggi ng MILF, na nakikibaka para sa kapakalan ng mga Muslim, na may koneksyon ito sa Abu Sayyaf at Jemaah Islamiya.
Idinagdag rin ng Australia na nasa pangangalaga rin ng Abu Sayyaf ang isa pang Jemaah Islamiya bomber na si Marwan na nagtago sa Pilipinas nuong 2007. At sina Patek at Marwan ay may kabuuang rewards $6 milyon.
Buko sa dalawa ay inamin rin ng Western Mindanao Command na nasa rehiyon rin sina Jemaah Islamiya militants Mauiya at Quayem at nasa grupo ng Abu Sayyaf. Sabit rin si Mauiya sa pagdukot sa tatlong international Red Cross members sa bansa nuong nakaraang taon. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment