Makikita sa screen shot ng mapang ito ng U.S. Geological Survey mula sa Google Earth ang sentro ng lindol kanina na may markang ‘A’ sa Mindanao. (Mindanao Examiner)
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Mar. 19, 2011) – Niyanig ng lindol kanina ang bahagi ng Mindanao, ngunit wala naman ulat ng casualties o damage sa naturang paggalaw ng lupa.
Ayon sa U.S. Geological Survey ay may lalim na 68.9 kilometro ang sentro ng lindol sa karagatan malapit sa Davao at General Santos cities. May lakas umanong 4.6 magnitude ang lindol.
Kamakalawa lamang ay nilindol rin ang Cagayan de Oro at doon ay 3.3 magnitude naman ang naitala, at wala rin inulat na nasaktan sa pagyanig na naramdaman rin sa Misamis Oriental province.
Mistulang praning ang maraming Pinoy sa mga nagaganap na lindol at maging ang binansagang “supermoon” ay pinangangambahang magdudulot ng malakas na lindol at tsunami na tulad ng naganap sa bansang Hapon.
Subali’t lingid sa kaalaman ng Marami ay natural lamang at isa itong “new o full moon” na natural na mas maliwanag (30%) at mukhang mas malaki (14%) sa pangkaraniwan dahil sa konting paglapit nito sa pag-ikot sa daidig.
Ngunit dahil sa mga maling ulat sa telebisyon ay lalong natatakot ang marami sa naturang natural event na ito. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment