Thursday, March 31, 2011
Operasyon kontra Sayyaf patuloy
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 31, 2011) – Walang tigil ang operasyon ng militar sa lalawigan ng Sulu na kung saan ay tatlong Abu Sayyaf umano ang napatay ng mga sundalo sa bayan ng Patikul.
Sinabi kahapon sa Abante ni Lt. Col. Randolph Cabangbang, ang spokesman ng Western Mindanao Command, ay target umano ng mga tropa na madakip ang mga lider ng teroristang grupo sa naturang lalawigan.
Bagamat walang nabawing bangkay sa labanan na naganap kamakalawa sa Patikul ay sinabi ni Cabangbang na tatlo ang nasawi sa sagupaan. Nakasagupa ng mga marines ang grupo ni Abu Sayyaf commander Jamiri Jawari na pinaniniwalaang siyang may bihag sa tatlong mangingisdang dinukot sa karagatan ng Sulu Archipelago nuong Marso 19.
Nabawi kasi umano ng mga sundalo ang seaman book ni Renato Panisales, isa sa mga dinukot na mangingisda. Ngunit wala pa rin balita sa mga bihag maliban lamang na direktang nakikipagnegosasyon umano ang mga kidnappers sa pamilya at empleyado ng tatlo.
Nabatid na P10 milyon ransom ang hinihingi ng Abu Sayyaf kapalit ng buhay ng mga bihag. (Mindanao Examiner)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment