Wednesday, March 16, 2011

Philippine Army umani ng suporta sa Mindanao


MARAWI CITY (Mindanao Examiner / Mar. 16, 2011) – Todo ang suporta ng publiko sa mga programa at repormang isinusulong ng Philippine Army sa Lanao del Sur, isa sa lalawigan ng Muslim autonomous region sa Mindanao.

Sa kasalukuyang ay may partnership ang 103rd Infantry Brigade sa ibat-ibang civil society groups at nongovernmental organizations at sa pamahalaan ng Lanao at Marawi City upang tulong-tulong sa mga programang may kinalaman sa peace and order.

“Malaki ang suporta sa atin ng pamahalaan ng Lanao Sur at Marawi City at gayun rin ang mga ibat-ibang grupo sa mga peace and order programs ng 103rd Infantry Brigade kung kaya’t lalo namin pinagiibayo ang pagsisikap ng bawa’t isang sundalo na magampanan ang kanilang tungkulin,” ani Colonel Daniel Lucero, ng nasabing kampo.

Nakatuon ngayon sa peace and development efforts sa lalawigan ang army at maganda na umano ang pagtanggap ng publiko sa militar sa nasabing lugar dahil na rin pagsisikap ng pamunuan nito na maibalik ang tiwala ng mamamayan sa mga sundalo.

Busy rin ang mga tropa ng army sa ibat-ibang tungkulin, tulad ng community clean-up drive at humanitarian mission sa Lanao. Maging ang mga away-pamilya ay nabibigyan na rin ng solusyon kung kaya’t malaking bawas ang insidente ng rido. (Mindanao Examiner)

No comments: