DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Mar. 11, 2011) – Mahigit sa 1,000 katao ang nagsilikas ngayon sa kanilang mga lugar sa coastal areas sa Surigao del Norte dahil sa takot at banta ng tsunami matapos na mahagip ng malakas na lindol ang Japan kanina.
Halos mapuno na sa tao ang capitol grounds sa Surigao City kung kaya’t pinabuksan na ni Gov. Sol Matugas ang convention center doon upang makapahinga ang mga nagsilikas.
Takot ang umiiral sa mga naroon, ngunit wala naman senyales na may dumaang tsunami sa naturang lalawigan.

Nasa Tsunami Alert Level 2 pa rin ang Surigao at iba pang bahagi ng eastern Mindanao na posibleng madaanan ng tsunami na galing pa sa Japan na kung saan ay sinalanta nito ng husto ang isa sa pinakamayamang bansa sa mundo. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment