Ang dismantled improvised explosive device na natagpuan nitong Good Friday sa Isabela City sa Basilan province. (Mindanao Examiner)
BASILAN (Mindanao Examiner / Apr. 24, 2011) - Mahigpit pa rin ang siguridad sa lalawigan ng Basilan matapos na madiskubre sa Isabela City ang isang bomba na umano'y itinanim ng teroristang Abu Sayyaf.
Todo-guwardiyado ang Cathedral sa Isabela City dahil isa ito sa mga target ng pambobomba ng Abu Sayyaf. Sinabi naman ni Senior Superintendent Alexis Lineses, ang Basilan police chief, na nag-deploy pa ito ng karagdagang puwersa sa lugar dahil sa mga banta.
"Mahigpit tayo ngayon dahil may mga threats nga ang masasamang elemento at katunayan ay kahit hating-gabi at madaling araw ay may mga patrulya tayo sa ibat-ibang lugar at hindi lamang sa Isabela, kundi maging sa Lamitan at iba pang bayan," ani Lineses sa Mindanao Examiner.
Nitong buwan lamang ay binomba ng Abu Sayyaf ang isang lodging house sa Lamitan at nagtangka pang magpasabog ng dalawang bomba sa lalawigan. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment