Sunday, April 03, 2011

Maguindanao prosecutor, natuluyan na!


COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Apr. 3, 2011) – Natuluyan na umano kahapon ang isang prosecutor ng Maguindanao province na tinambangan ng mga armado sa magulong lungsod ng Cotabato nuong nakaraang buwan lamang.

Ayon sa mga ulat ay hindi na nakayanan ng katawan ni Atty. Akilali Balt ang mga tinamong sugat mula sa ambush. Ilang lingo rin nasa coma si Balt sa pagamutan, subali’t hindi na ito naisalba ng mga duktor dahil sa matinding pinsala ng kanyang mga organ.

Suspek diumano ang kapatid na alkalde ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu na si Buluan Mayor Ibrahim Mangudadatu matapos siyang ituro ng bumaril sa biktima na si Acmad Maliga na nadakip ng pulisya.

Itinanggi naman ni Ibrahim ang lahat ng akusasyon sa kanya at ipinatawag na rin ito ng Department of Justice upang magbigay ng paliwanag sa akusasyon, ngunit hindi naman ito sumipot.

Natatakot naman ang pamilya ni Acmad na baka ito ipapatay upang walang tumestigo sa krimen kung kaya’t iniutos rin ng DOJ na bigyan ng sapat na proteksyon ito.

Hindi pa mabatid ang motibo sa pananambang, ngunit kilala umanong mga political lords at may mga pribadong army diumano ang mga Mangudadatu sa Maguindanao.

At ito rin ang dahilan kung bakit pinatay ng Ampatuan clan ang asawa at kapatid ni Esmael Mangudadatu nuong 2009 matapos na magpasya itong tumakbo sa halalan.

Kabilang ang napatay sa ilang dosenang mga sibilyan, kabilang ang mga mamamahayag sa brutal na pinaslang sa Maguindanao.

Nagamit ang media upang protektahan ang grupo ng asawa ni Esmael ng ito’y maghahain sana ng kandidatura ng asawa. May pangako umanong salapi sa mga manunulat kung matapos ang press conference sakaling matuloy ang paghain ng kandidatura. (Mindanao Examiner)

No comments: