Monday, April 11, 2011

Mindanao niyanig ng lindol


CAGAYAN DE ORO CITY (Mindanao Examiner / Apr. 11, 2011) – Niyugyog ng lindol kanina ang ilang lugar sa Mindanao, ngunit wala naman inulat na seryosong pinsala o kaya’y nasawi sa paggalaw ng lupa na naitala sa 4.8 magnitude.

Madaling araw umano ang paglindol kung kaya’t hindi rin ito naramdaman ng maraming tao, ngunit ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology natunton ito sa Surigao City sa Surigao del Norte at Agusan province.

At maging sa katabing mga lalawigan ay naramdaman rin ang lindol, subali’t hindi naman ito kalakasan.

Sa mga lugar iyon rin naitala ang ilang maliliit na pagyanig mula pa nuong Linggo at may naitala rin sa Bisayas, ngunit hindi naman gaanong kalakasan.

Marami pa rin ang takot sa lindol matapos na yanigin ng malakas na pag-uga ang Japan ilang lingo na ang nakalipas na nagresulta sa tsunami at libo-libo ang umano’y nasawi.

Sinasabing ang pagtagilid ng mundo sa kanyang axis o sentro ang siyang dahilan ng maraming kalamidad at lindol at ang kakaibang init na ngayon ay nararamdaman sa buong daigdig.

Nakaapekto umano ang magnetic poles ng daigdig kung kaya’t naging abnormal ang klima at nagdulot ng mga madalas na paglindol sa ibat-ibang panig ng mundo. (Mindanao Examiner)

No comments: