Tuesday, May 31, 2011

5 sundalo, sugatan sa landmine explosion sa Basilan


BASILAN (Mindanao Examiner / May 31, 2011) – Limang sundalo ang sugatan sa hiwalay na pagsabog ng landmine sa Basilan province na kung saan ay patuloy ang operasyon ng militar kontra Abu Sayyaf.

Hindi pa matukoy kung sino ang nasa likod ng paglalagay ng landmine sa lugar, subali’t Abu Sayyaf ang hinala ng militar. Naganap ang pagsabog kamakalawa habang nagpapatrulya ang mga tropa sa bayan ng Sumisip.

Ngunit ang naturang bayan ay kuta rin ng rebeldeng Moro.

Agad naman nailikas patungong Zamboanga City ang mga sugatan upang mabigyan ng lunas sa pagamutan ng militar sa Western Mindanao Command.

Nitong linggo lamang ay nabawi ng mga sundalo ang ibat-ibang armas na kanilang nakuha sa isang enkuwentro sa Basilan. (Mindanao Examiner)

No comments: