Saturday, May 07, 2011
Serbisyo ng Aboitiz 2GO palpak!
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / May 7, 2011) – Umani ng matinding batikos ang serbisyong 2GO ng Aboitiz Transport System dahil sa kabagalan ng pagpapadala nito ng mga kargo mula lungsod ng Zamboanga sa Mindanao.
Mismong ang pahayagan ito ay naghain na rin ng reklamo sa tanggapan ng 2GO sa Zamboanga City dahil inabot na umano ng isang lingo ang ipinadala nitong mga dyaryo sa Kidapawan news bureau ay hindi pa rin dumarating.
Ito rin ang reklamo ng mga tanggapan ng pahayagan sa Cotabato at Iligan at inabot rin ng 3 araw ang mga kargo nito. Ang matindi pa umano ay dalawang beses sa loob ng dalawang araw inihatid sa magkaibang consignee ang kargo ng pahayagan sa kabila ng parehong nasa Iligan naman ito.
Dismayado naman ang mga pinuno ng pahayagan sa palpak na serbisyo ng 2GO at maging mga empleyado ng Aboitiz sa Zamboanga ay bulag rin sa mga nagaganap dahil nalaman lamang nila ang kapalpakan ng maghain na ng reklamo ang pahayagan.
Sinabi naman ng cargo in-charge na nagpakilalang Joey ay na-offload umano ang isang kargo ng pahayagan patungong Kidapawan City sa Maynila, ngunit wala naman abiso ang Aboitiz ukol dito. Malimit itong mag off-load ng kargo ng walang abiso sa mga kliyente.
“Na-offload ang kargo sa Maynila at hindi rin naman alam ito. Nalaman lamang namin ng sabihin ng (Aboitiz Cotabato) matapos ng inyong reklamo,” ani ng opisyal.
Dahil sa kapalpakan at kabagalan ng Serbisyo ng Aboitiz 2GO ay blacklisted na ito sa pahayagan sa lahat ng kargo at parcel services nito at sa halip ay serbisyo na lamang ng Cebu Pacific, Philippine Air Lines, LBC, DHL at JRS na lamang ang gagamitin nito.
Nagbabala rin ang pahayagan sa publiko na pag-isipang maiigi kung anong courier o transport company ang dapat gamitin kung may ipadadalang mga kargo o parcel. (Mindanao Examiner)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment