Sunday, May 15, 2011

Wanted Manobo leader, nadakip na!


CAGAYAN DE ORO CITY (Mindanao Examiner / May 15, 2011) – Nadakip na ng pulisya ang lider ng mga natibo na bumihag sa 16 katao sa bayan ng Prosperidad sa Agusan del Sur province sa Mindanao.

Kinilala naman ng pulisya ang nadakip na si Regie Perez at isang tagasunod rin nito na si Rolando Sabas ay nahulog rin sa kamay ng batas. Nabatid na nuong pang Biyernes nadakip ang dalawa, subali’t hindi naman agad ito isinapubliko dahil sa patuloy na operasyong na matukoy ang kinaroroonan ng mga iba pang tauhan ni Perez.

Naispatan umano ang dalawa ng mga parak habang nagpapatrulya sa bayan at agad dinakip. Nabawi rin kay Perez ang isang pistola. Dinukot ng mga ito ang mga sibilyan ilang buwan na ang nakaraang upang puwersahin ang mga awtoridad na palayain ang kanilang lider na si Ondo Perez, na ngayon ay nakapiit dahil rin sa kasong hostage-taking sa naturang bayan.

Away-pamilya ang pinagmulan ng kaguluhan sa pagitan ng dalawang grupo ng mga Manobo natives at nadamay na lamang ang mga sibilyan sa matagal ng alitan ng mga ito. Lupa umano ang dahilan at ugat ng kaguluhan, ayon sa pulisya. (Mindanao Examiner)

No comments: