DUMAGUETE CITY (Mindanao Examiner / 21 Dec) – Naalarma na umano ang maraming mga civic groups at NGOs sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga prostitute sa Dumaguete City.
Lubos na kahirapan at problema sa pamilya ang mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga babae ang naliligaw ng landas.
Ngunit mas matinding problema rin ang dala nito sa lokal na pamahalaan – ang pagkalat ng mga sakit tulad ng AIDS at HIV at pagkalulong sa droga at alak ng mga prostitute – ang ikinakatakot ng marami.
Tinatayang aabot sa mahigit 350 mga prostitute ang ngayon ay naglipana sa ibat-ibang lugar sa Dumaguete, na minsang naging tanyag dahil sa kumalat na sex video na tinuguriang Dumaguete Scandal.
Maging mga estudyante ay napipilitan na rin na magbenta ng kanilang laman upang maituloy ang kanilang pagaaral. Ang masakit nito ay sa halagang P300-P500 ay maari ng makakuha ng babae sa lansangan ng magulong lungsod ng Dumaguete. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment