CEBU (Mindanao Examiner / 21 Dec) – Inasahang daragsain na naman ng mga dayuhang at lokal na turista ang lalawigan ng Cebu, hindi dahil sa ASEAN Summit, kundi sa tanyag na Sinulog Festival.
Naudlot man ang ASEAN Summit nitong buwan dahil sa bagyo at banta ng terorismo ay siguradong walang atrasan ang Sinulpg Festival – bumagyo man hindi – dahil sa naging tradisyon na ito tuwing sasapit ang Enero, ayon sa mga organizers nito.
Alay ito sa Sto. Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradisyonal na nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festival.
Sinabi rin ni Cebu City Vice Mayor Michael Rama na inaasahan aabot sa mahigit 1,000 naman ng mga taga-Cebu ang babalik mula sa ibang bansa, parikular sa Estados Unidos. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment