BACOLOD CITY (Mindanao Examiner / 21 Dec) – Magandang balita sa mga Negrenses! Sa kauna-unahang pagkakataon sa Bisayas ay dadalhin ng isang international amusement firm ang mga dambuhalang robotic dinosaurs bilang bahagi ng educational tour nito sa ibat-ibang bansa.
Tiyak na mamangha ang lahat kapag nakita nila ang mga robotic dinosaurs na mistulang Jurassic Park ang dating kapag dinala sa susunod na taon ng Dino World Theme Park ang ilang sa lalawigan ng Negros Occidental, kabilang na ang lungsod ng Bacolod.
Unang bubuksan ng Dino World ang P350-milyong theme park sa Maynila ngayon linggo. Ito ang una at sa ngayon ang tanging dinosaur theme park sa Southeast Asia at pangalawang pinakamalaki sa buong mundo bukod sa Florida sa Estados Unidos.
Aabot sa 28 robotic dinosaurs at mahigit sa dalawang daang fossils nito ang itatampok sa nasabing theme park na malaki ang maitutulong sa edukasyon ng mga bata. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment