MAYNILA (Mindanao Examiner / 21 Peb) ITINAAS ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang alerto nito sa buong bansa bilang paghahanda sa paggunita ng ika-21 anibersaryo ng Edsa People Power 1 revolution.
Epektibo ngayong ay inilagay na sa red alert o pinakamataas na alerto ang militar habang heightened alert o pangalawa sa mataas na alerto ang kapulisan.
Sinabi kanina ni AFP Public Information Office (PIO) Chief Lieutenant Colonel Bartolome Bacarro na regular nang naghihipit ng seguridad ang military upang matiyak na hindi makakalusot ang anumang grupo na mananabotahe sa pagtitipong maaaring ilunsad ng ibat-ibang grupo sa Biyernes.
Nakakasa na rin ang puwersa ng PNP at magpapairal ng maximum tolerance sakaling dumagsa ang mga kilos protesta ng mga kritikal o pabor sa administrasyon.
Samantala, walang namomonitor na ispesipikong banta ang militar at pulisya buhat sa mga rebelde o teroristang grupo at maging ang sinasabing pagkilos ng mga nagbabalak ng destabilisasyon. Itinanggi ng opisyal ang umano'y pagbuo ng plano ng mga heneral para sa panibagong kudeta. "We have not received any threat but traditionally yung alert natin ay tinataaspara masiguradong handa tayo kung mayroon mang mangyayari," ani Bacarro. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment