Tuesday, February 27, 2007

Ama Inakusahan Ng Child Abuse!

ANTIQUE (Mindanao Examiner / 27 Feb) – Nahaharap sa kasong kriminal ang isang ama matapos na umano’y pagmalupitan nito ang sariling anak sa bayan ng San Jose.

Ayon sa pulisya ay sag alit ng amang si Lyndon Capistrano Sr., ay binato nito ng pamalong may pako ang anak na si Junior at bumaon ito sa bungo ng 12-anyos na bata sa kanilang lugar sa Barangay Durog kamakalawa.

Kasalukuyang nasa pagamutan ang bata at pinagaaralan ng hustoi ng mga duktor kung paanong aalisin ng hindi malalagay sa panganib ang utak ng biktima.

Nagalit um,ano ang ama sa anak ng ito’y tawagin upang kuman ng tanghalian. Naglalaro sa tabing-ilog ang bata kasama ang mga kaibigan. Sa takot na magulpi ay tumakbo ito ngunit hinabol naman ito ng ama at ng hindi maabutan ay ibinato ang pamalo.

Sising-sisi naman ang ama sa naganap at nadala lamang umano ito ng kanyang galit. Sinabi ng ama na mahal na mahal niya ang sariling anak at pulos dasal ang ginagawa upang maligtas ang bata sa kapahamakan. (Mindanao Examiner)

No comments: