CEBU (Mindanao Examiner / 27 Feb) – Matapos ng halos 200 kaso ng sunod-sunod na pamamaslang ng mga umano’y vigilantes sa Cebu sa loob ng 2 taon ay buong tapang naman na sinabi ng pulisya wala ng magaganap na summary killings.
Ito’y matapos na batikusin ng United Nations at Estados Unidos ang walang habas na pagpatay sa mga political activists at mga inosenteng sibilyan sa bansa.
Umabot na sa mahigit 800 ang mga aktibistang napapatay at hindi pa kabilang ditto ang mga diumano’y vigilante killings sa Cebu, Davao at Zamboanga.
Sa Cebu ay ibinibintang ng mga kaanak ng bitkima ng pamamaslang sa mga awtoridad ito. Ilang ulit naman rin itong itinanggi ng pulisya.
Ngunit kamakalawa lamang ay dalawang lalaki ang itinumba ng mga di-kilalang armado gamit ang .45-kalibre sa Cebu.
Sinigurado naman ni acting Cebu City police chief Patrocinio Comendador na wala ng vigilantes sa lungsod. Karamnihan sa mga pinapatay sa Cebu ay pawing may mga criminal records na karamihan ay mga magnanakaw. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment