MAYNILA (Mindanao Examiner / 20 Peb) – Sisimulan ng magkasanib na tropang militar ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagbalangkas ng "blueprint" na magiging tugon o operasyon laban sa terorismo at iba pang maritime security threats.
Sa pagsasanay na isinagawa sa Kampo Aguinaldo kanina, tinukoy ng mga kalahok ng Balikatan exercises ang walong senaryo at ang kaukulang hakbang laban dito.
Kabilang sa mga ito ay ang senaryo ng mga teroristang kumikilos gamit ang mga bangka, bomb threat sa Superferry, banta ng terorista sa Malampaya oil field, cargo ship na naglululan ng mga ilegal na droga, insidente ng pamimirata sa karagatan ng Sulu, trahedya sa Superferry, armed drug smuggling kung saan ay lulan ang mga suspek ng bangka at nakikipagbakbakan sa militar.
"If you would start your planning right there and then your reaction time might be too late… You should know how to plan, you should know the requirements of the actions you should do, so this is where you discuss them," ayon kay Armed Forces Chief of Staff General Hermogenes Esperon Jr.
"It [operational order] serves as a blueprint, it's a piece of paper but having blueprints as you know facilitates a lot of things," dagdag ng heneral.
Pitumput limanng sundalong Pinoy at dalawang peace negotiator at 52 tropa ng Amerikano ang nakilahok sa naturang pagsasanay. Nakatuon lamang sa humanitarian efforts sa Western at Central Mindanao at classroom lectures ang Balikatan exercises ngayong taon. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment