DAVAO CITY (Mindanao Examiner / 25 Feb) – Mariing binatikos kahapon ng ilang kaalyado at kalaban sa pulitika ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang plano nitong tumakbo sa halalan at katambal ang sariling anak na si Sarah, isang abogado, bilang vice mayor.
Mismong si Davao City 3rd District Rep. Ruy Elias Lopez, na ka-alyado ni Duterte, ang nagsabi na ang pagtakbo ng mag-amang Duterte ay isang political dynasty.
Marami umanong pedeng tumakbo maliban sa anak ni Duterte bilang vice mayor ng Davao City. Maging ang publiko ay nagulat sa balitang ka-tandem ni Duterte ang anak sa pulitiko.
Ngunit sa mga supporters ni Duterte ay todo naman ang pagsabi ng mga ito na walang masama sa plano ng mag-ama dahil mas mapapabuti umano nila ang governance sa Davao City.
Si Duterte ang sinasabing nagpaunlad ng Davao.
Nagbanta naman diumano si Lopez na kakalas kay Duterte at lilipat sa grupo ni dating Vice Mayor Benjamin de Guzman, isang mortal na katungali ng tigasing alkalde, kung itutuloy ni Duterte ang planong gawin kandidato ang anak.
Hindi naman natiniag si Duterte at sinabing handa siyang harapin ang sinumang lalaban sa kanya sa halalan sa Mayo. (Romy Bwaga)
No comments:
Post a Comment