MANILA (Mindanao Examiner / 25 Feb) - HINAMON ng Armed Forces of the Philippines ang nagpapakilalang grupo ng mga opisyal ng militar na nagbunyag ng mga pangalan ng umano’y kaalyado ng administrasyon na nasa likod ng bigong kudeta noong Pebrero ng nakalipas na taon.
Ayon kay AFP public information office chief Lt. Col. Bartolome Bacarro, makabubuting lumantad ang mga miyembro ng Kawal para sa Hustisya at Pagkakaisa, at ituro ang mga politikong binabanggit nito upang mapanagot sa batas.
"They are saying that there are politicians who are behind the Feb. 24 (failed power grab). Our challenge to them is name names, instead of making sweeping statements," ani Bacarro kanina sa isang panayam.
Una nang inihayag ng grupo na may mga politikong nagkumbinsi sa kanila upang magbitiw ng suporta sa Pangulong Arroyo.
"Those are their statements but our challenge to them is why don't they come out in the open so that the process will be facilitated, why don't they come out in the open so that the litigation would be hastened," dagdag pa ng tagapagsalita.
Samantala, sinabi ni Bacarro na hindi mapagbibigyan ang hirit ng naturang grupo na luwagan ang detensyon sa grupo ng mga opisyal na nakapiit sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal na kinabibilangan ni dating Scout Ranger Commander Brigadier General Danilo Lim.
"You cannot just loosen it because if you are going to loosen their security, you should also loosen the security of the others who are confined. The confinement rules being applied to them are also applied to everybody, whether you are involved in the Feb. 24 incident or other offense" paliwanag ng opisyal.
"We have an SOP (standard operating procedure) so we cannot break our policies and SOP just to fit their caprices. The policy would not be adjusted for them. The policy will be implemented," diin ni Bacarro. (Juley Reyes)
1 comment:
This is the problem in this country. They want justice, but they do not want to rat, or squel.
Post a Comment