Sunday, February 25, 2007

Wow, Mali! AFP, Umamin Nagkamali Sa Pullout Ng Security Ni Erap

MANILA (Mindanao Examiner / 25 Feb) - UMAMIN si Armed Forces chief Gen. Hermogenes Esperon Jr. na nagkamali ito sa direktibang alisin ang seguridad ng dating Pangulong Joseph Estrada na nakaditine sa Tanay, Rizal. "It was an honest mistake," ayon kanina ni Esperon.
Nilinaw rin nito ang naturang hakbang ay walang kinalaman sa pag-endorso ng dating Presidente sa mga kandidato ng oposisyon sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.
Hindi raw sinadya ng AFP na magpadala ang Office of the Adjutant General ng kautusan na may kaugnayan sa kampanya na mai-pull out ang tropa ng mga sundalo na nakatalaga sa mga politico bilang bodyguard.
"It was unintentional. It was a general recall of soldiers assigned to politicians and it came to a point that those who were authorized to maintain military security were sent with the order," dagdag ni Esperon.
Sa ilalim ng batas, may karapatan ang mga dating Pangulo na magkaroon ng seguridad habambuhay, depende sa bigat ng banta sa buhay nito.
"It was a letter sent out to everybody but in the case of the former President, we recalled that (letter recalling Estrada's security) immediately and his security men are back there already," paliwanag pa ni Esperon.
Ibinalik rin naman aniya ang mga sundalong pinaalis bilang seguridad ni Erap. (Juley Reyes)

No comments: