Thursday, February 22, 2007

Legal Fronts Ng CPP-NPA, Di na Kakantiin Ng AFP

MAYNILA (Mindanao Examiner / 22 Beb) - INATASAN ngayon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Hermogenes Esperon Jr., ang lahat ng mga sundalo na dumistansya sa pagsalakay sa mga legal na organisasyon na iniuugnay sa Communist Party of the Philippines-New People's Army CPP-NPA).

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ng naturang direktiba ang liderato ng militar bagamat tuluy-tuloy pa rin naman aniya ang pagtutugis sa mga rebelde.

"I would like to give a caveat, a warning to soldiers that legal organizations are mentioned, but we are going after the underground movement," ayon kay Esperon sa pulong balitaan.

Kasabay nito ang mahigpit na hamon ng heneral sa mga militanteng grupo na lantarang kondenahin ang komunismo sa bansa.

Ipinakita ni Esperon ang isang video footage ni CPP-NPA founder Jose Ma. Sison na nagtukoy sa ilang organisasyon bilang "legal democratic fronts."

Kabilan sa mga ito ay ang Bagong Alyansang Makabayan, Kilusang Mayo Uno, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, League of Filipino Students, Alliance of Concerned Teachers at Kadena.

"We would like to ask these legal organizations to denounce the violence of the NPA, denounce the cruelty on the countryside," hirit ni Esperon.

Samantala, sinabi rin ni Esperon na hindi ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas kundi mismong si United Nations rapporteur Philip Alston ang ayaw aminin ang katotohanan sa usapin ng extrajudicial killings sa bansa.

Sinabi pa ni ng heneral na tila hindi rin naging interesado si Alston sa mga dokumentong ipinakita ng militar hinggil sa mga kaso ng political killings.

"I believe Alston may be in a state of denial. He refuses to believe that Communist party of the Philippines-New People's Army could be the perpetrators of some of the killings," ani Esperon.

"I believe he was not that enthusiastic when I presented to him the 1,227 cases of purging," dagdag nito.

Dinedma umano ni Alston ang naturang mga kaso na kinasasangkutan ng mga komunista hindi naman talaga aakuin ng rebeldeng kilusan.

Ipinunto ni Esperon na malabong nasa "state of the denial" ang AFP sapagkat sa simula pa laang aniya ay kinokondena na nito ang hindi maipaliwanag na pagpatay sa mga aktibista at mamamahayag.

"We have given directives to our commanders in field to submit themselves to any investigations or to present their men who have been accused to such investigative groups, investigative agencies or groups and so how could be in a state of denial?" dagdag pa ng heneral. (Juley Reyes)

No comments: